Ang Wikang Filipino sa Edukasyong Panteknolohiya
Magandang umaga, tanghali, gabi sa inyo mga mambabasa! Kung nagtataka kayo kung tungkol saan ang blog na ito, aking tatalakayin ang akda na "Ang Wikang Filipino sa Edukasyong Panteknolohiya". Ngunit alamin muna natin ang mga salita na ating pag-uusapan sa blog na ito. Ang unang salita ay ang teknolohiya. Ano ba ang Teknolohiya? Kapag naisip agad ng mga pilipino o mga tao ang salitang ito, pumapasok sa kanilang isip ay ipad, laptop, computer, cellphone at iba pa.
Maraming epekto ang naidudulot nito sa mga gumagamit tulad natin. Mas lalo na sa kabataan. Nang ito'y naimbento at nauso sa ating bansa, nagsimulang dumami ang mga gumagamit nito. May mga positibo at negatibong epekto rin ang teknolohiya na aking tatalakayin din sa blog na ito. Ang susunod na salita ay "Wikang Filipino". Bilang mamamayang Pilipino na ipinagmamalaki ang ating bansang Pilipinas, ating bigyan pansin at pahalagahan ang sarili nating Wikang Filipino dahil isinisimbolo nito ang ating pagiging tapat na Pilipino sa ating bansa. Hindi lang sa pagtulong kundi pagbigay rin kahalagahan sa ating bansang sinimulan. Tayo'y tumungo sa pangunahing paksa o akda na ating tatalakayin.
Sa nakaraang buhay ng mga Pilipino, ang teknolohiya ay hindi pa umusbong sa ating bansa. Kung kukuha tayo ng impormasyon na ating kailangan, tumutungo pa tayo sa aklatan o library kung saan maraming libro ang ating makikita at mababasa na makakatulong sa atin kung kinakailangan nating magsaliksik. Marami nang nagbago sa kasalukuyan, may mga powerpoint na ginagamit ang mga titser tuwing sila'y nagtuturo sa mga estyudante. Ang e-learning ay isang paraan na sa edukasyon at pag-aaral kung saan ang mga estyudante ay nag-aaral sa bahay o home studying. Mayroon nang Internet kung saan makakakuha tayo ng iba't ibang impormasyon sa isang pindot o click lamang. Dahil sa teknolohiya, mas napadali ang pag-aaral ng mga estyudante. Nakapagbibigay rin ito ng kasiyahan at libang sa mga taong gumagamit nito. Nakakapag-usap na tayo sa mga tao sa malayong lugar batay sa pag- text o pag- chat. Maraming positibong epekto ang teknolohiya sa atin. Kaya mayroon itong negatibong epektibo dahil sa maling pag-gamit natin nito o kakulangan sa ating disiplina. Kung may disiplina tayo sa pag-gamit nito, kaya nating i-balanse ang pag-gamit nito at sa pag-aaral. Dito nagtatapos ang aking blog. Salamat sa pagbabasa!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento